Donasyon Sa Simbahan Pwede ng i-GCash; Larawan Ng Mga GCash QR Code, Instant Viral !


Nagviral ang isang litrato ng isang simbahan sa Paranaque City, matapos makita sa isang larawan ang mga gcash qr code na nakapaskil o nakadikit sa mga upuan ng isang simbahan, para raw ito sa mga nais magbigay ng kanilang monetary offerings at mga donasyon ,ng mga mananampalataya para sa  kanilang simbahan.


Sa simbahan ng Our Lady of Unity Parish, Diocese of Parañaque, ay nakapaskil ang mga naka print na QR code (Quick Response Code) na ito sa mga upuan ng nasabing simbahan, upang pwede ng itransfer via online ang mga donasyon na nais ibigay sa simbahan ng mga mananampalataya. 


Parehong Gcash QR code din ang nakalagay sa kanilang official facebook page at sa kanilang cover photo.

Maaaring makadalo sa kanilang virtual mass mula Lunes hanggang Linggo, sa mga oras na, 7:30 ng umaga Lunes hanggang Sabado, 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon bawat Linggo.


Hati naman ang naging reaksyon ng mga netizen, may ilan na nakapagsabi na ayos daw ito dahil hindi na kailangan ng face to face contact, ang iba naman ay bumatikos at pinagtatawanan ang ginawa ng nasabing simbahan.


Ayon pa sa uploader ng larawan pati daw si Lord ay may GCash account na.

No comments