Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI Detention, Ibinasura ! | Paglipat sa Taguig City Jail Posibleng Ituloy


Hindi pinagbigyan ng Taguig Trial Court ang mosyon ng aktor at tv host na si Vhong Navarro, na manatili sa Detention facility ng NBI ( National Bureau Investigation).

Nabigo diumano si Vhong Navarro na makapagbigay ng sapat na ebidensya o batayan para hindi siya alisin sa detention facility ng NBI, hindi rin daw makapagbigay ng sapat na katibayan ang kanilang kampo, na mayroong banta sa buhay ng aktor kapag nailipat siya sa Taguig City Jail.



Matatandaan na sumuko si Vhong Navarro nitong September 2022, matapos ilabas ng Taguig Court ang warrant of arrest laban sa kanya, sa kasong "act of lasciviousness" at rap3", na isinampa ng model-stylist na si Deniece Cornejo, naganap ang nasabing krimen noong taong 2014

Nagpetisyon ang kampo nila Deniece Cornejo na ipalipat sa Taguig City Jail ang aktor na si Vhong Navarro.



Ngunit umapela naman ang kampo ni Vhong, Nitong September 20, hiniling nito na huwag siyang ilipat sa Taguig City Jail at manatili sa detention facility ng NBI, dahil mayroon daw silang mga natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay.

Tiniyak naman ang Taguig City Jail personnel na walang dapat ipag alala dahul kanilang pinoprotektahan at iniingatan ang mga karapatan ng kanilang mga inmates.

No comments