Inspirasyon Sa Disney-Pixar Character Na Si ''Mama Coco'', Pumanaw Na Sa Edad Na 109
Pumanaw sa edad na 109 ang naging inspirasyon sa kilalang 2017 Disney-Pixar movie na ''Coco'', na si Maria Salud Ramirez Caballero o mas kilala sa pangalang ''Mama Coco''( isang character sa nasabing Disney movie), sa kaniyang probinsiya sa Santa Fe de la Laguna sa bansang Mexico, kung saan din siya ipinanganak.
Kinumpirma ng Mexican state of Michoacansa sa isang Twitter post, ang malungkot na balita ng pagpanaw ni Maria Salud Ramirez Caballero nito lamang linggo October 16, hindi rin naman binanggit ang sanhi ng pagpanaw nito.
Isa sa mga magagandang gawa ng Disney-Pixar ang palabas na ''Coco''.
Ang kwento nito ay tungkol sa matandang kaugalian ng Mexico na “Day of the Dead Traditions.” Tampok sa kuwentong ito ang isang 12-taong gulang na bata na nagngangalang Miguel Rivera, kung saan napadpad siya sa isang makulay na “Land of the Dead” matapos patugtugin ang isang lumang gitara, dito na niya hinanap at hihingi ng tulong sa kanyang namatay na musikero sa lolo-sa-tuhod upang ibalik siya sa kanyang pamilya kasama ng mga nabubuhay at upang baligtarin ang pagbabawal ng kaniyang pamilya sa musika.Marami ang mga napaiyak sa pelikulang ito.
Mula nang ipalabas ang pelikula, iniulat ni Salud na binibisita siya ng mga turista sa kanyang tahanan, tinutukoy din siya bilang si "Mama Coco." Bilang tugon sa mga ito, sumagot naman siya ng, "Oo, pero hindi ("Mama Coco") ang pangalan niya. Ang mga producer ang pumili ng pangalan na iyon. At ngayon lahat ng taong pumupunta at bumibisita ay nagsasabi na iyon ang pangalan niya.
Samantala, kasunod ng pagpanaw ni Mama Coco, ilang global fans online ang nagluksa at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Mexican lola mula pa noong Linggo.
Ayon sa ulat ng E! News, habang binubuo nila ang pelikula, kinumpirma noon ng parehong Disney at Pixar na nakipag-ugnayan sila sa pamilya ni Maria Salud Ramirez Caballero.
Kapansin-pansin din ang pagkakapareho ng animated character sa itsura ni Maria Salud, gayundin ang mga naitampok na lugar sa nasabing palabas.
No comments