Isang Ama, May Inamin: "Hindi ko ikinahihiya ang baby ko na may bingot, ayoko lang talagang mag-post"


Isang ama na kinilalang si Andika Putera, ang nagbahagi ng kaniyang kuwento patungkol sa pagkakaroon niya ng anak na may cleft palate o "bingot", at ang mga pagsubok na dumating sa kanyang pagiging isang ama at asawa. Si Andika ay isang negosyante, motivational speaker at social media celebrity sa Malaysia.

Inamin niya sa publiko na may anak siyang may cleft palate at hindi niya iyon ikinakahiyå.




Ang pagsub0k na dumating kay Andika at sa kanyang misis ay nalampasan nila. Sa katunayan, naging positibo lamang ang kanilang pagtanggap sa pagsub0k at naging mas malaki pa ang kanilang pananalig sa Diyos.

Inamin ni Andika na noong una ay nalungk0t siya ng matuklasang may cleft palate ang kanilang anak dahil naisip niya ang magiging kinabuksan nito. Hindi rin nagtagal ay mas nanaig ang tiwala nila na isang biyaya ang ibinigay sa kanila ng Diyos.





Nalaman nilang mag asawa na mayroong ganitong kondisyon ang kanilang anak ng makita nila ito sa pamamagitan isang scan o ultrasound noong ito ay limang buwang gulang pa lamang.

Ayon din sa kuwento ni Andika Putera, nahihiråpan rin daw i-breåsfeed ang kanilang anak, dahil sa hindi ito gaanong makasipsip ng marami at maayos dahil sa butas nito sa  kaniyang bibig.

Gayunpaman, hindi niya raw ikinakahiyå ang kanyang anak. Naghintay lamang daw siya ng ilang araw at ilang buwan, hindi man daw niya ipinopost sa social media ay sinisigurado niyang mahal naman niya ito sa personal.

Iniiwas lamang daw niya ito sa mga taong mapanglait at mapang husga.

Inilabas na rin niya ang mga cute na cute na larawan ng anak at ibinahagi na ito sa mga netizen at social media.

No comments