Isang Ina, Tinuruan Ng Leksyon Ang Babaeng Sumita Sa Pag-iEnglish ng Anak Niya



Ibinahagi ng isang ina ang mga pag uusap nila sa isang chat ng kaniyang kakilala (na hindi na niya pinangalanan), tungkol sa pagsasalita umano ng ingles ng kanyang 2 ta0ng gulang na anak.

Sinabi nito na imbes na ingles ay dapat tagalog daw ang ituro niya dito upang hindi mahirapan sa pakikipag komunikasyon sa ibang bata o tao ang kaniyang anak.


Ikinagulat din ng ina kung bakit bigla na lamang ang chat ito tungkol sa kaniyang anak na marunong mag ingles, tinawag pa siyang beshy nito.


Sinabi pa nito na sosyal siguro sila dahil nakakapag ingles ang kaniyang anak at kinakausap din nila ito ng Ingles.

Sagot naman ng ina na wala sa estado ng buhay kung matuto o turuan ng pagsasalita ng ingles ang mga bata, tuturuan pa din naman ng sariling wika kapag ito ay medyo nakakaintindi na.


Naikumpara din ang kanyang anak sa mga anak ng kaniyang kakilala, kahit daw may pera sila ay hindi nila tinuturuan ng pagsasalita ng ingles ang kanyang mga anak, dahil arte lamang daw ito.


Sinupalpal niya ang kaniyang kakilala at sinabi nito na wag siyanh tawaging beshy at wag pakialaman ang itinuturo ng ibang magulang sa kanilang mga anak. Dadag pa niya ay turuan nalang siya ng kaniyang anak mag salita ng Ingles kapag nagkita sila .

Aminado naman ang ina na nahihirapan ito na magsalita ng tagalog at umintindi ng iba pang bagay dahil sa bata pa ito, ngunit kung tatiyagain ay matututo rin sila.


"But everyday naman natututo siya at magugulat ka na lang sa lumalabas sa bibig niya. Nasa magulang ang tiyaga sis. Pag may tsaga may nilaga Huwag mong sabihin na maarte ang mga bata, natural yan sa bata. Lalo na pag mga babies pa. Ofcourse they being maarte due to the attitude of the guardians din siguro or if how you treat them nasa magulang kung paano mo sila palakihin, wala namang perpektong magulang."


Ang mga bata naman ay may mga natututunan sa pagdaan ng mga araw, kailangan lamang tiyagain ng mga magulang at bigyan pa sila ng mahabang pasensya. Hindi rin dapat ma pressure ang mga bata kung delay man sila sa kanilang milestone, huwag ikumpara ang anak sa ibang bata bagkus tanggapin sila ng buo at hayaang i explore ang kanilang sarili.

No comments