Isang Traffic Enforcer na Napagkamalang Carnapper , Binaril ng isang Pulis, Nasawi!
Nasa@wi sa pamamaril ang isang traffic enforcer matapos mapagkamalang isang carn@pper ng isang nagpakilalang pulis.
Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima na si Paul Timoth Delos Reyes, Isang Lalamove Rider ,ay habang tinatahak nila ang Edsa Roosevelt ay mayroong nasira sa kanilang motorsiklo, kaya tinulak nalang nila ito upang itabi at ayusin.
Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima na si Paul Timoth Delos Reyes, Isang Lalamove Rider ,ay habang tinatahak nila ang Edsa Roosevelt ay mayroong nasira sa kanilang motorsiklo, kaya tinulak nalang nila ito upang itabi at ayusin.
Kinilala ang traffic enforcer na si Edgar Follero miyembro ng QC-DPOS (Quezon City Department Of Public Order and Safety)
"Huminto pa kami doon sa gitna kasi may mga trak, tapos tinulak namin hanggang doon sa may gilid. Sabi ko, 'Tol, wait lang,'" ayon sa salaysay ng kasama ng traffic enforcer.
Habang inaayos daw niya ang nasirang motor ay lumapit ang isang lalaki na nagpakilalang pulis at agad daw binaril si Follero, hindi rin niya masyadong naaninag ang lalaki dahil sa nakayuko siya at agad din daw siyang pina dapa nito at tinutukan na ng baril.
Si Edgar Follero naman ay napatakbo pa ang motorsiklo kahit na may tama na siya ng bala sa katawan, para sana puntahan ang mga nakapwestong pulis sa tabi ng Muñoz Market , ngunit hindi na nakaabot si Fulero dahil nawalan na ito ng malay at natumba na.
Ayon pa sa kasama ng traffic enforcer, sinabi raw sa kanila ng lalaki na mga carn@pper daw sila agad naman niyang itinanggi ang sinabi ng lalaki.
"Sabi niya lang, 'Mga carnapper kayo.' Sabi ko naman, 'Hindi carnap 'yan, sir. Kahit tignan niyo pa gamit ko.' Pinakita ko sa kaniya 'yung license ko at registration ng motor ko," saad niya
Lumapit rin daw ito sa ibang mga pulis at doon na nagpakilala na isa rin diumano siyang pulis.
Nakumpirma na isa nga siyang pulis, siya si Lieutenant Felixberto Tikil Rapana, miyembro ng Anti-Carnapping Unit ng Manila Police District.
Hindi rin nagbigay ng kahit anong pahayag ang mga pulis na rumesponde sa insidente, dahil magsasagawa muna raw sila ng imbestigasyon.
Nasa kustodiya na ng CIDU (Criminal and Investigation Unit) ang suspek na pulis.
No comments