Kasal Kasalan lang sa Isang Marriage Booth Noon, Kinasal na sa Simbahan Ngayon
Nag-viral online ang nakakatuwang kwento ng bagong kasal na ito, dahil nagsimula lamang sila noon sa kasal kasalan sa mariage booth, ngayon ay nauwi sa simbahan at totohanang kasal, matapos ang 10 taon,
Ibinahagi ng KMJS “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ng bagong mag-asawa na nagsimula sa kasal-kasalan sa marriage booth noong highschool hanggang sa naging totohanang kasal na ngayon.
Nagsimula ang kanilang kwento noong 2012 sa Madapdap Resettlement High School, sa Mabalacat, Pampanga,
Si Kimmy Cunanan at si Arjay Castro ay naging magbestfriend noon, kahit na magkaiba ang kanilang ugali, dahil si Arjay ay isang introvert at si Kimmy naman ay isang extrovert.
Napagtripan lamang daw sila noon ng kanilang mga kaklase sa marriage booth noong isang valentines day, pinosas daw sila kaya wala na silang magawa, wala na raw silang magawa kaya natuloy ang kanilang kasal kasalan. Pero sa loob loob nila ay masaya sila sa nangyari.
Hanggang sa lagi na raw sila tinutukso kaya itinuloy na ni Arjay ang pangliligaw kay Kimmy.
No comments