Lalaki, Sinunog Ang Bahay Para Madamay Ang Mga Bully Nitong Kapitbahay
Isang 35-anyos na lalaki ang may labis na galit sa mga kapitbahay nito, sinunog niya ang sarili niyang bahay para madamay ang kanyang mga kapitbahay na nambubul|y di umano sa kanya.
Bandang alas-9 ng gabi noong Linggo sa Barangay Barangay Lower Bicutan, Taguig City ay may isang lalaki ang sumunog ng kanilang bahay.
Sinindihan daw niya ang kutson ng kama gamit ang lighter hanggang sa lamunin na ng apoy at masunog ang kaniyang bahay at madamay ang mga katabinh bahay nito.
Siya lamang mag isa noon sa kanilang bahay, wala ang kanyang kapatid at tiyuhin na kasama rin niyang naninirahan sa bahay.
Apat na taon na raw siyang binubully ng kanyang mga kapitbahay, ngunit hindi na niya dinetalye ang sinabing pang bubulIy.
“Eh wala naman po akong choice kundi sa bwisit, poot at galit… masyado nila akong binu-bulIy,” ayon sa suspek.
Itinatanggi naman ng kanyang mga kapitbahay ang kaniyang mga paratang.
Limang bahay naman ang natupok sa ginawa niyang pagsunog, habang nasa 15 pamilya ang pansamantalang tumutuloy sa evacuation center sa isang paaralan.
No comments