PANOORIN | Lalaki, sinuong ang mataas na baha upang iligtas ang kaniyang mga alagang baka




Buong tapang na tinawid at sinuong ng isang lalaki ang ga dibdib na taas na baha sa may Brgy. Tamayoc, Patnongon, sa Antique, upang mailigtas pa niya ang mga alaga niyang baka, ang mataas na pag baha ay dulot ng malakas na ulan bugso ng pananalasa ngayon ng Bagyong Paeng.


Sa isang video na ipinost ni Shanel Acupan Salomon Aguilar, makikita ang isang lalaki na sumuong sa mataas na baha habang hila hila niya ang 2 niyang baka. halos lumagpas na sa ulo ng mga baka ang taas ng baha at hanggang dibdib naman ng lalaki.


Agad na nagviral ang kuhang video na ito ni Shanel at maraming mga netizen ang naawa sa lalaki.

Labis na takot at kaba ang naramdaman ni Shanel at ng kasama nito para sa lalaki at sa dala nitong dalawang baka, dahil baka matangay ito ng agos o dili kaya ay may masamang mangyari sa kaniya.


Habang itinatawid nga ng lalaki ang kaniyang dalawang alagang baka ay naputol ang tali at tinangay ng agos ang mga kawawang hayop, pilit niya itong hinabol at sa kabutihang palad ay napunta ang mga baka sa gilid ng lupa at nahabol na ito ng lalaki.

No comments