Lolit Solis Ipapa-Imbestigahan si Bea Alonzo At Mga Fans Nito Kapag May Masamang Nangyari Sa Kanya
Nakakatanggap daw di umano ng mga de@th thre@ts ang kolumnistang si Lolit Solis mula sa mga fans, followers at mga taga suporta ng dating Kapamilya actress na ngayon ay Kapuso na, na si Bea Alonzo.
Ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram ang mga screenshots ng mga banta sa kanya ng mga fans ni Bea Alonzo.
Ayon pa sa kanya, kapag may masamang nangyari raw sa kanya at sa mga kasama nito ay papaiimbistigahan daw ang mga fans ni Bea o dili kaya mismong si Bea Alonzo, dahil sigurado raw siya na alam ng aktres ang mga pagbabanta ng mga fans at supporters nito laban sa kanya.
"Gr@ve thre@ts ang ginagawa nila, at ngayon pa lang dapat malaman ng mga followers natin Salve na pag may nangyari sa atin, mga fans at followers ni Bea Alonzo ang dapat investigate, or puwedeng si Bea Alonzo mismo dahil baka alam niya ang mga threats na ito, or baka na consult na ni Shirley Kuan sa lawyers na dapat kung gusto ni Bea Alonzo na maging maganda ang image niya, dapat consistent ang ginagawa niya." ayon sa post ni Manay Lolit Solis.
Sinabi ng kolumnista na hindi sila manghihinayang kay Bea dahil wala daw itong ningning at hindi naman naging mabenta ang mga ineendorso nito.
''Naku ang daming stars ang nagdaan, ilang dekada na, bakit kami manghihinayang sa isang Bea Alonzo? Saka kung feel ni Shirley na ganuon kasikat si Bea bakit hindi bumenta ang breath freshener ng Beautederm. Bakit walang ningning si Bea, bakit hindi rater at box office queen.''
"akosilolitsolis: Naku Salve, sa dami ng mga thre@t at bashing mula sa fans ni Bea Alonzo parang sa halip makatulong sila kay Bea nagiging minus factor pa. Eh kung consult a lawyer kaya tayo na panay ang pananakot nila, to the point na nagsasabi na 'k!ll' nila tayong dalawa. Grave thre@ts ang ginagawa nila, at ngayon pa lang dapat malaman ng mga followers natin Salve na pag may nangyari sa atin, mga fans at followers ni Bea Alonzo ang dapat investigate, or puwedeng si Bea Alonzo mismo dahil baka alam niya ang mga thre@ts na ito, or baka na consult na ni Shirley Kuan sa lawyers na dapat kung gusto ni Bea Alonzo na maging maganda ang image niya, dapat consistent ang ginagawa niya. Forgiving at open minded. Isa kang artista, alam mo na ang showbiz puno ng mga tao na lagi kang kikilatisin at pupunahin. Dapat lalo pag manager kang tulad ni Shirley Kuan ikaw ang frontliner para sa alaga mo, you protect and guide them. Hindi ikaw ang dapat pinanggagalingan ng mga balita na puwede maging dahilan para ma upset ang talent mo. Pero dahil siguro nag consult na sa mga lawyers sila Shirley at Bea alam na nila na mali at ang tama. Kung para sa kanila hindi nila kaya makita ang mga mukha namin nila Salve at Gorgy, fine, no problem. Naku ang daming stars ang nagdaan, ilang dekada na, bakit kami manghihinayang sa isang Bea Alonzo? Saka kung feel ni Shirley na ganuon kasikat si Bea bakit hindi bumenta ang breath freshener ng Beautederm. Bakit walang ningning si Bea, bakit hindi rater at box office queen. (may karugtong) #classiclolita''
''akosilolitsolis: (karugtong) Naku napapagod na ako kay Bea noh, kaya tumigil na iyon consult a lawyer at mga thre@ts. Kung talagang fan kayo ni Bea bumili kayo ng products na endorse niya, manuod kayo ng mga palabas niya. Huwag ninyo sayangin ang oras ninyo na takutin kami nila Salve at Gorgy, ang atupagin ninyo maglabas kayo ng pera at bumili at manuod kay Bea Alonzo. Baka kaya mas nagrate si Bea Binene dahil naligaw kayo at si Bea Binene pinanuod ninyo. Maging practical, huwag consult a lawyer at pananakot ang ginagawa. Action ang gawin, panuorin at bumili ng mga ginagawa ni Bea Alonzo. Sige kayo, pag nalaos si Bea baka sa Spain na siya tumira, kaya lang tapos na kaya Spanish learning niya? Baka hindi niya ma understand mga espanyol, lalo siya ma ghosting ha. Hindi makapag consult a lawyer si Shirley, Diyos mio, merese, que barbaridad, hay naku, sleep na lang ako Salve at Gorgy, gaganda pa ako, hah hah hah #classiclolita''
''akosilolitsolis: Hindi ko akalain ganuon kahaba ang IG post ko tungkol kay Bea Alonzo ha. May part 2 pa, siguro naman dahil matalino mga fans ni Bea Alonzo na mana sa kanya ang wisdom at knowledged, at very law abiding dahil mahilig mag consult ng lawyer tulad ni Shirley Kuan, understand na nila na walang personalan, trabaho lang lahat.''
''You go your way, we go our way, hindi dapat nag aaway. Lahat ng artista nakatanggap ng puna, 'biro', o kahit ano opinion ng mga tao, writers o followers nila mismo. Hindi dapat humantong sa mga pagbabanta dahil hindi naman siguro apektado nito ang buhay ng kahit sino. Para sa akin malaking katangahan iyon magbanta ka o manakot. Para bang iyon tao na pinagbantaan mo isang walang puwede magawa para ipagtanggol ang sarili. So nagbanta ka, 'k!ll' mo kami nila Salve, ganuon lang iyon? Wala kami puwede gawin? Hintayin na lang namin 'k!ll' nyo kami? Andiyan si Gorgy noh, karate kayo, hah hah. O kaya sayawan kayo ng tango, bongga! Hindi biro pero dapat isipin ng mga fans na gumagawa nito na malaking kapintasan para kay Bea Alonzo ang ginagawa nila. Para bang ganito ka bastos ang mga fans niya. Alam ba ito ni Bea Alonzo at Shirley Kuan. Ganito ba sila ka vi0lent? Hah hah, kaloka. Natawa ako duon sa salitang ' patira ko kayo sa puwet ', ganuon utak mga fans ni Bea Alonzo. Ito ba ang klase ng usapan nila pag nagmi meeting sila. Ganyan ba mga followers ni Bea Alonzo, very vi0lent ha. Mahilig sa verbal @buse using words na hindi maganda. Ay naku, gaya ng advice ko, manuod at bumili na lang kayo ng mga produkto ni Bea Alonzo para hindi siya talunin ni Bea Binene. O ano say mo Leo Espinosa di ba tama ako? #classiclolita''
No comments