Lugaw-Mami Vendor Noon, Milyonaryong Store Owner Na Ngayon
Ito ang nakakainspired na kuwento ng negosyanteng si Rodel Anisor, na nagsimula lamang siya noon sa pares-mami na ang gamit niya ay kariton, ngayon ay may sarili ng puwesto ng paresan sa Makati City.
Nagsimula raw siya sa apat na kilo lamang ng karne para sa kaniyang pares-mami na ibinebenta niya noon sa kalsada gamit lamang ang isang kariton.
Ngayon ay nakakaubos na sila ng 150 kilos ng karne sa isang araw sa kanilang paresan.
Ngayon ay may roon na siyang sariling puwesto at pagmamay-ari niya ang Pares Point the Orginal na matatagpuan sa Makati City.
Ayon sa kaniya ay pamana raw ng kaniyang ina ang negosyong pares.
Lugaw lang daw noon ang kanilang paninda sa kalsada gamit ang kariton, hanggang sa nadagdagan na nila ito ng mami.
"Yung lugaw na 'yon inilalako ng kapatid niya. Tapos yung lugaw nilagyan ng beef mami na may sabaw. Yung mga taong kumakain ng mami, gusto nila yung laman ng mami," kuwento ni Rodel.
"Kaya sa halip na mami yung nabibili, ang ginagawa binibili yung laman tapos yung sabaw. Tapos naghahanap sila ng kanin," dagdag niya.
Hindi raw naging madali ang pinagdaanan nila noong nagtitinda pa sila sa kalsada gamit ang kariton, dahil bawal at hinuhuli ang mga nagtitinda sa mga gilid ng kalsada, ang masaklap pa nga raw dito ay sinisira pa ang kanilang kariton.
Naaalala raw niya at nakikita ang mga kasamahan nilang mga tindero na talagang nag iiyakan kapag nahuliat nasira ang kanilang kariton, at kailangang buuin kinabukasan upang makapagtinda ulit ng may maipangtustos para sa kanilang pagkain.
''Nakikita ko yung mga sinasamahan kong tindero talagang nag-iiyakan. Tapos kailangan mong buuin uli para bukas may tinda kundi bukas wala kang kakainin," sabi pa niya.
Ang mga pangyayari raw na ito ang kaniyang naging inspirasyon upang magsumikap sa buhay, hanggang sa nagkaroon daw siya ng lakas ng loob na kumuha ng mauupahang bakanteng lote upang pagtindahan ng pares.
"Kaya ginawa namin umupa na kami. Naghanap ako ng bakanteng lote,"
Ayon pa kay Rodel, nasa P800 lang noon ang puhunan niya sa paglalako ng pares sa kariton na may tatlo hanggang apat na kilo ng karne sa isang araw.
Ngayon sa kaniyang sariling puwesto sa Makati, sa tinda pa lang niyang pares, nakakaubos na sila ng hanggang 150 kilo ng karne at limang sako ng bigas para kapartner nitong sinangag.
Kaya ang dating nagtutulak ng kariton, isa ng milyonaryo ngayon.

No comments