PANOORIN | Kabaong, inanod ng baha sa Kawit,Cavite, sa kasagsagan ng bagyong #PaengPH


Isang puting kabaong ang namataan ng mga residente sa Kawit, Cavite sa kasagsagan ng bagyong Paeng nitong sabado ng gabi October 29, 2022.

Ibinahagi ng isang netizen ang naispatan niyang puting kabaong na inanod ng baha, dulot ng tuloy tuloy na malakas na ulan dahil sa bagyong Paeng, dakong alas-10 ng gabi malapit sa Panamitan Bridge sa Tirona Highway.


"Baka may nawawalan ng mahal sa buhay po dyan naanod po ata, malapit sa Panamitan Bridge Po" caption post ng netizen na si ShanLee Pallera.


Ayon pa sa mga saksi, hindi nila tukoy kung may laman ba ang kabaong na nakitang palutang lutang sa baha.

Ngayon ay hindi rin tukoy kung saan napadpad ang kabaong at kung saang lugar nga ba ito nanggaling.


Halo halo naman ang naramdaman ng mga netizen sa viral na videong ito, ayon sa ilan ay nalulungkot sila na makita ito dahil pat@y na nga ay parang namat@y pa ulit.

Labis din ang pagtaas ng baha sa Cavite sa kasagsagan ng bagyong Paeng kaya siguro ay hindi na naisalba ang kabaong dahil mas importante ang buhay ng mga naiwan sa lupa.




No comments