PANOORIN: Viral Personality na si ''OTLUM'''', Nahulicam na kumuha ng cellphone; itinatanggi hindi niya raw ito ninakaw
Inireklamo si Peejay Dela Cruz o mas kilala ngayong 'Otlum'' o binaliktad na multo, dahil sa pagkuha niya ng cellphone sa isang establisyemento, huli sa CCTV ang ginawa niya.
Ngunit ng mahanap na siya at ipatawag sa barangay siya pa ang nagalit dahil sa kapabayaan ng may ari ng cellphone.
Sinabi din nito na naibenta niya ang kinuha niyang cellphone.
Itinanggi din nito na ninakaw niya ang cellphone, kinuha lamang daw niya ito.
Hindi rin umamo siya magnanakaw dahil iba raw ang ginagawa at depenisyon ng magnanakaw sa kaniyang ginawa.
''Ang depenisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyemento at walang abog-abog ay magbubuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribadong lugar, pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan ni hindi po ako pumasok, nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po ay aking kinuha, hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear.'' ayon sa interview mi Peejay o ''Mama Otlum''.
Pinag iisipan pa ng biktima kung ipapakulong ba nila si Otlum o hahayaan na lamang ito.
No comments