PRAY FOR MAGUINDANAO | 67 katao na ang nas@wi sa Landslide at pag-baha sa Mindanao



Umakyat na sa 67 katao ang nas@wi at may ilan pang nawawala sa naganap landslide at malawakang pagbaha sa Mindanao, ayon ito sa datos ng mga rescuers nitong Biyernes October 28, na rumesponde sa mga residente sa Maguindanao na nalubog sa lupa at putik dulot ng nanalasa ngayong bagyo, Bagyong Paeng #PaengPH.


Kinumpirma ito ni Rapid Emergency Action on Disaster Incident (READI) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) head Atty. Naguib Sinarimbo.


Update ayon sa post ng Brigada News;

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namat@y sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Kagabi kinumpirma ng BARMM Emergency Operations Center na umakyat na sa 67 ang bilang ng mga nas@wi dulot ng mga pagbaha at landslides.


Sa ulat, nagmula ang mga ito sa isang lungsod at 14 na mga bayan sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, at Lanao del Sur.


Ang Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat ang may pinakamaraming naitalang casualties na humigit-kumulang 50 mga indibidwal.

Nagmula naman sa mga bayan ng Datu Blah Sinsuat at Upi ang 17 iba pang mga nas@wi.


Samanatala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Maguindanao Provincial Adminstrator Cyrus Torreña na pinangangambahang umakyat pa sa halos 100 ang bilang ng nga nam@matay sa kanilang lalawigan.


Sa ngayon daw kasi ay marami pa rin ang mga missing na mga pinaniniwalaang nalunod at natangay ng baha, ‘o ‘di kaya nama’y natabunan ng mga landslide.

Sa kasalukuyan, tuloy ang apela nila sa National Government ng tulong, partikular na ang pagkain at malinis na inuming tubig.

No comments