Robin Padilla Sumailalim Sa Isang Heart Surgery



Ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang Instagram Account, ang matagumpay na heart surgery ng kanyang asawa at Senador na si Robin Padilla, nito lamang Sabado, October 1, 2022, sa isang hospital sa mandaluyong city.

Lubos ang pasasalamat ni Mariel sa mga propesyonal at sa mga naging kasama nito sa matagumpay na operasyon sa kanyang asawa.


Nagpapasalamat rin siya sa mga kaibigan, pamilya at mga taga suporta na nanalangin sa kalagayan ng kanyang asawa, at sa mga nagpalakas ng kanilang loob, upang mapag tagumpayan ang pagsubok na ito.

''We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” caption post ni Mariel Rodriguez sa inupload niyang maikling video ni Robin sa kanyang instagram.

Makikita rin na sobrang hands on sa pag aalaga at pag asikaso si Mariel Rodriguez sa kaniyang asawang si Robin Padilla.

Hindi nabanggit kung ano ang medikal na karamdaman ng senador, ngunit matatandaan na nito lamang Mayo, ay naisugod sa hospital si Robin Padilla noong nag trip sila sa Espanya.


“Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno. Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako,” pagbabahagi ni Robin.


Nagpaabot naman ng dasal ang mga kaibigan, kapamilya at mga supporters ng Padilla Family, para sa mas mabilis na pag galing ng Senador.

No comments