Sanggol na hindi na humihinga at wala ng heartbeat nang isinilang, muling nabuhay !
Itinuturing na isang malaking milagro ang nasaksihan ng mga doktor sa England, nang maipanganak ang isang sanggol na hindi na humihinga at walang heartbeat, matapos ang 17 minuto ng pagre-resucitate sa sanggol nagkatoon ito ng heartbeat at nabuhay.
Ayon pa sa ulat, ititigil na sana ng mga doktor ang pagre-revive sa sanggol ngunit bigla itong nagkaroon ng buhay.
Pinangalanan nila ang sanggol na Baby Isaiah Gordon.
Ang ina ng sanggol ay si Bethany Homar, mahigit anim na buwan palang daw ang tiyan nito (o nasa 26 weeks), nang biglang duguin at isugod sa isang ospital ng England.
Ayon sa pagsusuri ng mga doktor kay Bethany Homar, nagkaroon daw ito ng placental abruption o humilay sa kaniyang placenta sa kaniyang uterus ( na siyang nagbibigay buhay sa sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina).
Pinapili raw si Bethany kung sino sa kanilang dalawa ang mabubuhay.
"I was given two-choices - let him die inside me while they stopped my bleeding, or have him there and then with a high chance that he wouldn't make it," sabi ni Bethany.
Napagdesisyunan na niya na sumailalim sa C-Section upang mabigyan ng tiyansang mabuhay pa ang kaniyang anak, dito na nga nirevive ng mga doktor ang bata at makalipas ang 17 minuto nabuhay ito.
Agad na dinala sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit) ang sanggol at kailangan siyang masalinan agad ng dugo, ayon din sa mga doktor ay may butas ito sa puso at malaki ang posibilidad na hindi ito mabuhay ng matagal.
Ngunit makalipas ang 100 araw ni Baby Isaiah Gordon sa hospital, naging tuloy tuloy ang pagbuti ng kalagayan nito at sa wakas naiuwi na nila ito sa kanilang bahay na maayos ang kalagayan.
Talagang isang malaking himala ang nangyari kay Baby Isaiah Gordon.
"They did brain scans and could only find two brain bleeds which they were really surprised at. It's incredible really. He's a miracle," sabi ni Homar.
Ngunit kailangan pa rin i-monitor ang kalagayan ng sanggol, upang makita kung mayroon bang ibang epekto ang pagkawala ng oxygen ng siya ay isilang.
Nagtitiwala naman ang mga magulang ng sanggol na malalampasan niya ang mga pagsubok na ito at lalaki siyang maayos at malusog.
No comments