Sassa Gurl bilang ''Online Seller'', Nanalo ng Award sa Halloween Party ng GMA

Content creator, tiktokerist at vlogger na si Sassa Gurl nanalo ng award sa ginanap na Halloween Ball ng GMA.
Ipinakita ang mga kakaiba, samu't saring idea at pagkamalikhain ng mga Kapuso artist at iba pang mga imbitado sa ginanap na halloween party ng GMA, The Sparkle Halloween Ball nito lamang Linggo.

Dumagsa ang mga kilalang artista, couple at iba pa na nakasuot ng iba't ibang mga costume, mayroon dito mga kilalang character ang ginaya, mayroon ding sariling mga version ng custome at hindi mawawala ang mga nakakatakot na creatures na alam nating sikat ngayong halloween.

Ngunit kakaiba ang trip na costume ng content creator na si Sassa Gurl, nakuha nito ang atensyon ng lahat sa party dahil sa kaniyang pagkamalikhain at kakaibang humor.

Ang kaniya kasing costume ay isang online seller, mayroon siyang dala dalang eco bag, isang paninda at malaking ring light, ginagaya rin nito ang mga galaw ng isang legit na online seller, hindi rin nawala sa kanya ang kanyang trademark na pumuputok na blush on.

Alam naman natin na ngayong panahon ay marami na ang mga online seller o nagtitinda online, kaya naman patok na patok ang ideya niyang ito sa lahat ng nasa party gayundin ang mga netizen.
No comments