Sim Registration Bill Kasado Na | Globe, Smart



Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Mandatory Sim Registration Bill, pirma na lang ng pangulo ang kailangan upang maisabatas na ang panukala.

Dahil sa lumalalang text at call scam sa bansa ay minamadali na ang pagpapatibay dito, upang mabigyan ng proteksyon ang publiko sa mga tulad ng ganitong modus.





Ang lahat ng bagong bibilhing SIM ay hindi muna activated, magagamit lamang ito kapag inirehistro na online gamit ang tunay na pangalan, taon ng kapanganakan, tirahan at valid identification card ng subscriber o passport para sa nga dayuhan na mananatili sa bansa.

Ang mga active prepaid SIM naman ay bibigyan ng 180 araw para mairehistro at kung lumagpas dito ay otomatikong ide-deactivate ng telecommunications company.




Ang iminungkahing batas ay nagbabawal din sa mga menor de edad na irehistro ang kanilang SIM maliban nalamang kung may pahintulot ng magulang o kanilang legal guardian.

Mahigpit na inaatasan ang mga telecommunications company na ingatan at gawing pribado ang lahat ng mga impormasyon ng parehong postpaid at prepaid subscribers maliban kung ito ay hingiin ng otoridad o ng korte dahil sa imbestigasyon sa kaso.

Mahaharap naman sa parusang pagkakulong at multa ang mga hindi otorisadong maglalabas ng data ng mga telco subscribers.

No comments