Tatay na Delivery Rider, Hinangaan ng mga Netizens dahil hindi naging hadlang ang kakulangan nito para masuportahan ang kaniyang pamilya
Mabilis na kumalat sa social media ang mga larawan ng isang delivery rider na mayroon mang kakulangan sa bahagi ng kaniyang katawan ay patuloy pa ring nagtatrabaho at nagsusumikap para masuportahan ang kaniyang pamilya. Hinangaan din ng mga netizen si Tatay sa sipag nito kahit na medyo nahihirapan sa kaniyang sitwasyon.
Sa in-upload na mga larawan ni Avril, makikita ang isang delivery man na ang isang paa ay may nakakabit na bakal o prostetic limb, habang may inaasikasong mga order sa kaniyang motor. Madaming mga netizen ang humanga sa matanda dahil kahit wala ang isa niyang paa ay nagtatrabaho pa din ito at lumalaban sa kahirapan na dulot ng pandemya.
Narito ang post ng isang netizen na umorder at si tatay ang naghatid.
“Shout out kay tatay na napahanga ako ngayong araw. Eto ang tunay na masipag at madiskarte, lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemic. Saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho, kung mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay, kaya hirap po sya tumayo at kahit mabgat po ang pinadeliver ko na dimsum di po sya nag cancel di ko din po kase expected na ganun po kalagayan ni tatay. Basta tatay salute ako sayo.”
No comments