Andrew Schimmer, humingi ng ''Sorry'' sa mga netizens na naiirita na sa pagiging emosyonal niya tungkol sa kaniyang asawa



Sa in-upload na video ni Andrew Schimmer ay humihingi siya ng paumanhin sa mga netizen na naiirita na sa kaniyang pagiging emosyonal patungkol sa kaniyang asawang may sakit.

Updated ang mga netizen sa naging buhay ng dating aktor na si Andrew Schimmer lalo na tungkol sa kaniyang asawa na si Jho Rovero na ngayon ay naka confine sa ospital.


Ibinabahagi rin ng aktor sa pamamagitan ng pagvi-video, ang mga pangyayari at iba pang update sa kaniyang asawa, naging critical ang kondisyon ni Jho nitong mga nakaraang araw dahil sa mali diumano ang prescription ng nutritionist nito.


May mga netizen ang naaawa at nabibilib kay Andrew dahil sa sobrang pagmamahal at pag aalaga nito sa kaniyang asawa, ngunit may ilan daw na mga netizen ang naiirita na at naiinis dahil sa paawa daw ito sa social media, upang makahingi lamang daw ng tulong.


Kaya sa update video ni Andrew Schimmer ay nag sorry siya sa mga taong naiirita na sa kaniya at sa kaniyang asawa, humihingi rin siya ng pang unawa at panalangin para sa kaniyang asawa.


"Sa ibang mga kapatid natin na nai-irritate sa akin dahil masyado daw akong emotional, guys, I'm sorry. I cannot control those emotions sometimes. They're just bursting out. Pag mahal n'yo 'yung taong lumalaban, pag meron kayong mahal sa buhay na ipinaglalaban ang buhay niya, I know you will understand me," paliwanag ni Andrew sa Facebook live.

"Please, mga kapatid, bear with me. Tulungan n'yo pa ako magdasal," dagdag niya.

Buo pa rin ang pagtitiwala ni Andrew na magiging maayos muli ang kaniyang asawa, at malalagpasan din nila ang mga problemang ito.

Sari sari naman ang naging reaksyon ng mga netizen patungkol rito.

Narito ang ilan sa mga komento ng Netizen;

''lumaban pa eh!
wag mong sukoan hayaan mong asawa mo ang susukosalute this guy hanga ako sa pagmamahal mo bihira nalng ang mga lalaki tulad''

''Opinyon ko lang po...lahat po ay nakiki simpatya sa sitwasyon mo sir.andrew di ka nagkulang sakripisyo mo ,pero mukhang pagod na po at nahihirapan asawa mo,kelnagn nlang nia po cguro maramdaman ung acceptance nio para makapag pahinga at mawala na ang sakit at hirap na nararamdaman nia,,in the End c Lord parin ang nakaka alam sa mangyayare sa pahina ng buhay niong mag-asawa...Godbless and be strong''

No comments