Bus sakay ang 47 guro, nahulog sa matarik na bangin sa Bataan
BUS NA MAY 47 SAKAY NAHULOG SA ISANG MATARIK NA BANGIN.
Isang aksidente ang naganap nito lamang sabado, 11:15 ng umaga, ng mahulog sa isang matarik na bangin ang sinasakyan ng 42 pasahero na ayon sa mga kasamahan ng mga ito ay mga teacher na nagseminar sa isang lugar ng Brgy. Tala, Orani Bataan.
Ayon sa report at sa imbestigasyong ginawa ng mga awtoridad, mechanical failure ang naging sanhi ng pagkawala ng preno at control ng bus kaya nahulog sa bangin. Minamaneho umano ni Marcelino Oliva, 62 anyos.
Ang naturang bus ay may lulang 47 guro mula sa ibat-ibang paaralan sa elementarya at sekondarya ng Quezon City na dumalo lamang sa isang seminar na isinagawa sa Bataan.
Nagtulong tulong naman ang iba't ibang mga sangay sa pagrescue sa nahulog na bus at sa mga lulan nitong mga guro.
Dinala rin agad sa iba't ibang hospital ang mga guro upang mabigyan ng paunang lunas at malagpasan ang kanilang tr@uma dulot ng aks!dente, 28 guro ang naiulat na nasugatan at may isang nas@awi sa insidente.
Ligtas na nakauwi ngayon ang ibang mga guro sa kanilang mga tahanan.
Sa Facebook post naman ng isa sa gurong si Mon Aspa, convoy ang tatlo nilang bus pauwi na sa Quezon City galing sa isang seminar sa Bataan nang maganap ang aksidente.
No comments