PANOORIN: Lalaki, iniregalo ang pangarap na sapatos ng mag amang laging pumupunta sa kaniyang shop
Naantig ang puso ng mga netizen sa ginawang kabaitan ng isang store owner sa mag amang laging pumupunta sa kaniyang shop upang tignan ang mga mga pangarap nitong sapatos.
Binigyan nito ang mag ama ng sapatos, dahil binabalik balikan daw nito ang pagtingin sa kaniyang shop at hindi naman daw ito nagtatanong.
Narito ang ibang impormasyon na mula sa post ng Pilipino Star Ngayon Digital.
WALANG KATUMBAS NA HALAGA YUNG SAYA NILA’
Bumuhos ang emosyon ng mga netizens sa video na ibinahagi ni Ariel kung saan tampok ang kwento ng kaniyang pagreregalo sa isang matandang lalaki na palaging tumitingin ng sapatos sa kaniyang shop.
Ayon sa kaniya, napansin niya na palaging tumitingin ang lalaki ng mga sapatos ngunit hindi ito lumalapit sa kanila upang mag inquire.
“Simula una, lagi ko lang napapansin and sabi ko sarili ko na once mag inquire si tatay, I’ll give it free. Kase not once or twice Sila npunta lagi sa shop ko po. Everyday tinitignan niya yung sapatos,” wika niya.
Dahil dito, hindi nag-alinlangan na magbigay si Ariel ng libreng sapatos kay tatay.
“Nanggaling din po kase den po ako sa sitwasyon. Nagkataon den po na magbi-birthday ako that time and it’s time to give back,” dagdag niya.
“Sobrang saya ko, kase ginawa akong tool ni Lord para matulungan sila tatay. Kasi it’s not about the value of the gift, basta bukal sa puso natin Yung binigay maliit man o malaki, sobrang malaking tulong sa kanila,” lahad niya. (Ariel)
Hindi pa dito natatapos ang pagtulong ni Ariel para sa mag ama. Marami ring mga netizen ang nag paabot ng tulong para sa mag ama.
Sa mga updated post ni Ariel ay nasa maayos na kalagayan naman ang mag ama, nabigyan sila ng mga grocery item, nabigyan din ng libreng gupit at kumaen sa mga restaurant.
No comments