Lalaking ikakasal nagalit sa wedding singer dahil hindi ito pumayag sa request niyang 20 kanta at libreng performance
Nag viral ang isang Facebook post ng isang singer, sa ibinahagi niyang conversation ng isa niyang kliyente na nais siyang kuning taga awit para sa gaganaping kasal nito.
Ang singer na ito ay si Patricia Ivy Pepaño, ibinahagi niya sa isang post ang kaniyang inis at pagkadismaya sa isang kliyente na hindi na niya pinangalanan.
Inaalok daw siya nito na kumanta sa kaniyang gaganaping kasal, dahil napanood daw siya nito sa isang kilalang TV Show sa ABS CBN.
Mababasa sa mga screenshot conversation na nag rerequest ang kliyenteng lalaki ng 20 kanta sa araw ng kaniyang kasal, at ikinagulat ito ni Patricia, ngunit sa huli pumayag pa rin siya, hanggang sa tinanong na niya ito kung magkano ang budget at nakakagalit ang sagot ng kliyente sa kaniya.
Narito ang buong post ng singer na si Patricia Ivy Pepaño sa kaniyang account:
Tbh matagal ko na gustong ipost to wala lang ako lakas ng loob.
Since may mga nagpost naman ng ganito so nagkaron ako ng lakas ng loob.
Gusto ko rin i-share 'to. Pero tinakpan ko yung pic at name ni Koya di naman ako ganon kasama para ipahiya siya sa social media
Siguro nga uso ngayon yung pakapalan ng...
Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin ng hindi ko kilala pero nirefer ng kakilala ko ganoyn! tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami mag-kakilala.
Okay lang sana mag demand tayo pero wag sobra.
Sa totoo lang, nakakatawa yung mga ganitong tao. Penge po kapal ng muka
I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha) Iyo na po ang followers mo ano gagawin ko jan? Magkakapera bako jan? Don't get me wrong people, hindi sa mukang pera gaya ng sabi nung nagchat hahahahaha practically speaking ang pagkanta sa panahon ngayon pinagkakakitaan na. May mga bagay na dapat nating paglaanan ng pera, may utang na dapat bayaran at pagkain na dapat paglaanan. That's why.
Sobrang hassle kaya ng hinihiling ni Koya mo. 20 SONGS PARA LANG PASIKATIN AKO AT BIGYAN NG FOLLOWERS TAPOS PAKAKAININ PA DAW AKO SA RECEPTION JUSKO Muka po ba akong matakaw? medyo lang naman hahahaha kidding aside pero di naman po makapal ang mukha ko.
Sana matuto tayong mag value ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos. Matuto tayong mag value ng artists Hindi biro ang maging isang singer
Ps: Tinakpan ko yung name and picture for his own risk. Di naman ako ganon kasama para mamahiya ng tao.
Pps: Pinost ko po para lang aware tayo sa ganitong tao
Ppps: Wala na finish na
No comments