Lalaking Nagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Pera, Binigyan ng Bahay at Trabaho Bilang Gantimpala



Isa sa dahilan ng pag-hinto ng pangarap sa buhay ay ang kahirapan. Ngunit walng imposible kung magiging positibo at magpapatuloy pa din mangarap. Maging mabuti saan man tayo dalin ng tadhana dahil may magandang balik ito sa atin. Kung ang gagawin natin sa buhay ay positibo ay magiging positibo din ang resulta nito.


Nag-viral naman ang isang kwento ng lalaking walang tirahan at trabhaho na nagsoli ng pera, dahil dito ay binigyan siya ng gantimpala. Kinilala ang lalaking ito bilang si Woralop na 45-taong gulang, walang trabaho at walang sariling tirahan.


Ayon kay Woralop, naglalakad ito nang biglang nakita niyang may nalalaglag na pitaka sa lalaking nasa harapan niya. Nang pulutin niya ang pitaka ay nawala na lang bigla ang lalaki na may-ari nito. Ang pitaka ay may laman na nagkakahalagang 20,000 baht o humigit kumulang 30,000 baht.


Hindi naisip ni Woralop na kunin at angkinin ang napulot niyang salapi, kaya naman hinabol niya ang lalaking may-ari ng pera ngunit hindi niya ito naabutan. Naisipan naman ni Woralop na dalhin ito sa pinaka-malapit na estasyon ng Pulisya. Hindi naman nagtagal ay nakontak na ang may-ari nito. Ang may-ari ng pitakang may laman na limpak-limpak na pera ay isa pa lang negosyante at nagmamay-ari ng isang kompanya ng bakal sa Thailand. Kinilala ito na si Nitty Pongkriangyos


Dahil dito ay natuwa sa kanya ang may-ari ng pitaka, kaya naman binigyan siya ng trabaho ng malaman niyang wala pa lang trabaho itong si Woralop. Ipinasok niya ito sa kanyang kompanya at binigyan ng kwarto sa employee hostel ni Nitty habang ang nobya naman ni Nitty na si Tarika Patty ay bumili ng gamit para kay Woralop.



Ito ay isang halimbawa na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may kapalit na kabutihan din. Hindi dinadaanan sa masama ang mga bagay dahil magiging masama din ang kalalabasan nito.


No comments