Nabago ang Pananaw ng mga Netizen Matapos Mag-viral ng Larawan ng Isang Seaman na Pagod dahil sa Hirap ng Trabaho!



Bilang haligi ng bahay, kailangan ng matibay na pundasyon upang hindi magiba o masira ang bahay. Gaya ng isang ama, kailangan nilang magsilbing suporta upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Mula naman sa isang post ng netizen na si Jimma Ticong-Nicolas sa kanyang facebook, ibinahagi niya ang hirap ng kanyang asawa bilang isang seaman.


Akala ng karamihan ay madali ang trabaho ng isang seaman, nakasakay sa barko at iniikot ang buong mundo.

Ayon din sa ilan ay napaka swerte ng mga ito dahil sa bukod na nakkalibot sa mga iba't ibang lugar ay malaki rin daw ang sinasahod ng mga seaman.

"Stolen shot. Time Check 3am. Before ko nianhi Singapore one of the seaman told me, "Ma'am doon mo makikita tunay na trabaho ng asawa mo iba sa inaakala ng lahat." Kwento ni Jimma.



Mali ang inaakala niya na madali ang trabaho ng isang seaman dahil hirap, pagod, pagtitiis na mawalay sa pamilya ang puhunan nila sa trabaho para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.


"Now I understand what that mans telling me. I took picture og him while he take a nap at least for one hour while he is waiting for the next bunkering. I am just 3 days here but honestly I realized that my husband's work is not bed of roses not just my husband but for all those seaman," dagdag pa niya.

"For a seaman's wife like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board. instead of nagging and telling them "You go now. Call the office because we need money." Payo pa niya sa ibang misis na may asawang mga seaman din gaya niya.

"For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this pictures. Maybe it's a wake up call to some families who are fighting over seaman's money," sinabi din niya sa ilang kaanak ng mga seaman.

Di natin maitatanggi na mayroong mga kamag anak na gusto na ipadala sa kanila ang buong kita ng kapamilya nilang seaman, na hindi nila alam ang hirap ng mga ito sa kanilang pagbabarko.

No comments