Naipundar na Mansion ni Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces, ipinasilip sa publiko




Kung tatatanungin ang mga Pilipino kung sino ang kanilang idolong artista pagdating sa mga aksyon ay siya ang palaging nababanggit, dahil sa husay nito gumanap sa mga pelikulang kaniyang pinagbibidahan.

Siya ang isa sa pinaka-beteranong artista sa industriya ng showbiz, siya ay si Ronald Allan K. Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. o "FPJ" pinaiksi ng kaniyang pangalan, itinuturing siya ng mga tao na hari ng pelikulang Pilipino kaya siya tinawag na "Da King".


Anak siya ni Fernando Poe Sr., isa ring aktor at ni Elizabeth ''Bessy'' Kelly, na isang Filipino-American.


Siya ay naging malaking idolo ng mga tao kung kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ng bumabalik sa kanyang mga nagdaang pelikula.

Sa edad na labing apat ay nagsimula na si Da King sa kanyang karera sa showbiz at nagtuloy-tuloy ito hanggang nakagawa ito ng maraming hit na palikula at serye sa telebisyon ng Pilipinas, tulad ng ''Ang Panday'' at ''Kahit Konting Pagtingin''.


Noong taong 1968 ay nagpakasal siya sa aktres na si Susan Roces, civil wedding, at hindi nagtagal ay napagpasyahan nilang dalawa na mag-ampon ng isang bata at ang batang babae na ito ay si Grace Poe.


Matapos nito ay muling nagpasya ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces na tumira sa Amerika at doon pagaralin ang kanilang anak.

Ginugol ni Grace Poe ang kanyang kabataan sa Amerika at doon na rin ito nakapagtapos ng kolehiyo.



Nagkaroon ng dalawang anak si FPJ, na sina Ronian at Lourdes Virginia o mas kilala ngayon bilang si Lovi Poe, na hindi naman niya isinekreto sa publiko.


Taong 2004 ay nagpasya si FPJ na bumalik ng Pilipinas at tumakbo sa halalan bilang Pangulo ng bansa, kalaban nito noon ang dating naging presidente na si Gloria Macapagal Arroyo.

Sa hindi inaasahan ay sa kaparehong taon ng Disyembre ay biglaan ang pagpana@w ng batikang aktor at marami ang nagulat sa balitang ito.


Ang kanyang anak na si Grace Poe ang nagpatuloy sa kanyang pamana at tumakbo ito bilang Senador ng Pilipinas.


Ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces ay mayroon napaka-laki at napaka-gandang bahay sa Quezon na ipinama na sa kanilang anak na si Grace, at ito na ang tinirhan ng kaniyang pamilya.

Makikita na ang pamanang bahay ay pinaghalong moderno at tradisyonal na disenyo.


Mapapansin na ang loob at labas ng bahay ay may kumbinasyon ng kultura at sining ng mga Pilipino na tila ang mag-asawa ang pumili ng napaka-gandang disenyo.


Ang mga dingding ng bahay ay kulay puti at ang mga materyales na ginamit sa tatlong palapag na bahay ay talaga namang dekalidad.

Puno din ng mga sentimental na halaga ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay at karamihan na dito ay mga antigo.


Sa katunayan ay mapapansin sa kanilang sala ang "Sarimanok" painting ng gawa ng isang tanyag na National Artist na si Abdulmari Imao at makikita rin dito ang obra ni Sandra Feller.


Sa kasalukuyan ay si Grace Poe na ang nag-mamayari ng nasabing heritage house.

Wala din umanong balak si Grace Poe na alisin ang ilang gamit ng kanyang mga magulang dahil isa ang mga ito sa naiwang ala-ala sa kanyang mga mahal na magulang.

No comments