News Anchor na si Mike Enriquez, napabalitang pumånaw na !?




Nagulantang ang lahat sa social media ng mapabalitang puman@w na raw ang batikang mamamahayag at kapuso na si Mike Enriquez.

Ngunit agad naman itong pinabulaan ni Arnold Clavio, isa ring batikang mamahayag, sa isa niyang Facebook post, sinabi nito na buhay na buhay pa ang kaniyang ama amahan na si Mike Enriquez.


“Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe, ‘FAKE NEWS!'”



Naging usap-usapan nga sa social media nito lamang Huwebes, Nobyembre 10, ang isang Facebook post ng isang malapit na kaibigan umano ni Mike at ng asawa nito.

Dalawang Celebrity ang nagpost sa social media ng kanilang pakikiramay para kay Mike at sa pamilya nito.


“This photo with Mike Enriquez and his Wife was taken 3 yrs ago at Nora Trajano’s bday. It was a wonderful surprise! I’m glad I saw Mike after many years and now he is happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike!”ayon sa post ng aktres na si Loly, subalit deleted na ito ngayon.


“Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu Tito. My sincere cond0lences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven," post ng isa pang celeb na si Richard.



Nang makumpirma nila na buhay pa ang mamamahayag ay agad din naman itong humingi ng pasensya.

“SOME PERSONS TOLD ME THAT MIKE ENRIQUEZ IS VERY MUCH ALIVE! THE NEWS I GOT ABOUT HIS PASSING WAS FEW YEARS AGO. MANY COND0LED AND NO ONE SAID OTHERWISE. IM VERY VERY SORRY IF IT WAS A FAKE NEWS. PLS FORGIVE ME MIKE ! SABES QUE TE QUIERO MUCHO MI AMOR! ((alam mo na mahal na mahal kita my love).")”


Ayon kay Richard, nabasa lang daw niya ang Facebook post ng actress kaya akala niya ay totoo ito.


"I'm alive," sabi naman ni Mike sa isang panayam.

Matatandaang nag-medical leave si Mike Enriquez para sa kaniyang kidney transplant noong Disyembre 2021 at nagbalik sa telebisyon at radyo noong Marso 2022.


Posibleng ang matagal nang pagkawala ni Mike Enriquez sa news program ang ginamit na basehan ng fake news na ito.

No comments