Simpleng kahilingan ng mga Bilanggo ngayong Kapaskuhan, tampok sa kanilang ''Wish Tree'' | ALAMIN





Viral muli ngayon sa social media ang proyekto ni BJMP Jail Officer Bryan Villaester na ''PDL Wish Tree'' na ginawa niya noon sa Tagaytay City Jail ngayon ay ginawa naman niya sa General Trias City Jail.

Sa proyektong ito nalalaman ng mga tao ang munting hiling ng mga bilangg0 sa kulungan, simple lang para sa atin ngunit malaking bagay na ito sa kanila.


Maraming mga netizen ang naantig sa mga simpleng kahilingan ng mga ito, at marami ang willing makapagbigay ng tulong sa mga ito.


Narito ang buong post na ibinahagi ni BJMP Jail Officer Bryan Villaester:

General Trias City Jail PDL Wish Tree I started the Wish Tree since I was assigned in Tagaytay City Jail way back 2016. I continued it in BJMP Naic and now here in BJMP General Trias - my 3rd Jail assignment.


 Although kaya namn naming mga personnel i grant ang mga simple wishes nila, we wanted to extend this to the community dahil gusto din naming maramdaman nila ang sarap sa pakiramdam ng nagbibigay sa kapwa kahit walang kapalit.


 Personnally kapag nakakabasa ako ng mga very simple wishes nila naiisip ko, this might be everything to them. Maliit na bagay sa atin pero napakalaking bagay sa kanila since cla po ay nakakulong at hindi nla nakkuha agad mga gusto nila.


 Right now, the City of General Trias through Mayor Jonjon Ferrer is one of our supporters to the program. Pati po ang Rotary Club of Tagaytay City, Lions Club at Eagles Club at iba pang individual ay sumusuporta sa aming mga proyekto. 


Because of the overwhelming support you extended to our program, here are some additional wishes you may want to grant. Salamat po sa inyong pagshare ng blessings sa aming kulungan.


 #ChangingLivesBuildingASaferNation #AngBagongGenTri #SecondChanceProgram #TheHopeProject

''General Trias City Jail PDL WISH TREE Pls feel free to grant any of the simple wishes of our PDLs for the upcoming yuletide season. 


You can screenshot the wish you want to grant. 

Please send them through LBC or can personally send them in General Trias City Jail Happy holidays everyone... 

#ChangingLivesBuildingASaferNation #AngBagongGenTri #The Hope Project.


Sa mga nais sumagot sa mga kahilingan ng mga kababayan nating nasa piitan o magbigay sa kanila ng kahit kaunting tulong ay maaaring pumunta sa Facebook page ni BJMP Jail Officer Bryan Villaester, makikita din doon ang iba pang kahilingan ng mga bilanggo, maari ring ipadala ng direkta ang inyong mga regalo sa General Trias City Jail.


SIMPLENG KAHILINGAN NGAYONG KAPASKUHAN

No comments