Vlogger Couple na sina Cong TV at Viy Cortez, Engaged Na !
Nangyari ang proposal ni Cong TV matapos ang baptism ceremony ng kanilang panganay na anak na si Kidlat noong Oktubre 27, at siya ding pagsi celebrate ng kaniyang kaarawan.
Ibinahagi ito ni Cong TV sa kaniyang bagong upload na video sa kaniyang youtube channel nito lamang Huwebes, November 03, ang mga paghahanda niya sa kaniyang pagpo propose kay Viy.
Habang kumakain ang pamilya at iba pang mga bisita, nagpalaro ang Team Payaman member na si Boss Keng na may pa-premyong P50,000.
Ang mechanics ng game ay bawal tumawa bukod dito ipinalabas ni Keng ang cellphone ng mga bisita na dapat naka-video mode at naka-front camera.
Maya-maya, pagkasabi ni Keng ng “tira” ay biglang lumabas si Cong na hawak na ang mikropono at lumapit kay Viy.
“Love, will you marry me?” agad na sabi nito na ikinagulat ng lahat ng kanilang mga bisita.
“Nagtatanong ka sa akin nung nakaraan kung ano yung regalo na gusto ko sabi ko sa’yo wala. Pero sa totoo lang ito talaga yung nasa isip ko matagal na panahon na. Naghahanap lang ako ng tiyempo, iniisip ko kung paano pero sabi ko bahala na,” saad ni Cong.
“Kaya ngayon pinapunta ko sina tito at tita [mga magulang ni Viy] ito yung pinaka magandang regalong ibibigay mo sa akin ngayong birthday ko. Love, uulitin ko yung tanong. Will you marry me?”dagdag pa niya.
Isang matamis na “yes” ang nakuhang sagot ni Cong kay ?Viy Cortez.
“Worth the wait!” biro naman ni Viy Cortez kay Cong.
No comments