Andrew Schimmer, Kinuwento ang Pinakamasakit na Nangyari sa kanyang Asawa Panoorin!


Kinuwento ni Andrew Schimmer ang mga pangyayari nung nalaman niya na wala na ang kanyang asawa na si Jorhomy Rovero habang nasa taping ng isang gameshow sa GMA.

Sinabi ni Andrew Schimmer sa isang facebook post na ibabalita niya ang pinaka-malungkot at pinaka-worst na balita na pwede niyang marinig dahil pumanaw na ang kanyang asawa.



"Kanina habang nasa GMA ako para sa taping ng Family Feud, tinawagan ako ng mga Doctor's niya dito sa Saint Lukes na biglang nawala yung kanyang bp nawala lahat pati oxygen saturation niya kaya nagpaalam ako sa GMA".

Matapos niyang malaman ang nangyayari sa kanyang asawa ay agad siyang pumunta sa Saint Lukes at inabutan niyang nirerevive ang kanyang asawa hangang sa mawalan na ito ng buhay.



Mas masakit pa kay Andrew na kaarawan pa ng kanilang anak habang nakaburol ang kanyang asawa.


Pinakita din ni Andrew habang hawak niya ang kamay ng kanyang asawa na wala nang buhay habang umiiyak at pinakita niya din sa huling sandali ang kanyang asawa.

No comments