Aso, Tumutulo ang Luha sa Mata Habang Naghihingal0 Matapos na Lasun!n ng Magnanakåw dahil Nabigong Mapasok ang Bahay ng Amo Nito!



Ang mga alaga natin na aso ay maituturin na isang kapamilya. Tinagurian din ang mga aso na "Man's Best Friend" dahil sa pagiging loyal nito sa kanilang amo. Iba't iba din ang kaugalian ng mga aso at kadalasan ay naaayon ito kung paano mo sila pakitunguhan. Kadalasan, isa din sila sa ating tagapagligtas, taga-bantay sa bahay at maaasahan sa ilang bagay gaya ng pagpapanatili sa kaligtasan ng kanilang mga amo.




Isa na rito ang aso sa Merauke, Indonesia. Mapapanood sa video kung paano tumulo ang luha ng aso matapos na diumanong lasun!n ng mga magnanakaw dahil nabigo silang mapasok ang bahay kung saan naninirahan ang amo ng asong ito.

Kwento ng amo na si Achy Wijaya, isang gabi daw noong na halos walang tigil sa pagtahol ang kanyang aso. Inakala niya na baka mayroon lamang itong nakikitang pusa at hindi na niya ito pinansin pa at bumalik na muli sa pagkakatulog.

Sa pagtahol pala ng aso na ito ay tinataboy pala niya ang masasamang loob na dapat ay papasok sa bahay nila Wijaya.




Kinabukasan, nagtataka si Wijaya kung bakit walang sumasalubong sa kanya at laking gulat na lamang nito na makita niya ang kanyang pinakamamahal na alaga na nakahiga na sa sahig at nag-aagaw buhay na at may luha ang mata nito.

Napag-alaman ni Wijaya ang ginawang kabayanihan ng kanyang alaga. Sinabi pa ni Wijaya na nais niyang dalhin ang kanyang alaga sa pagamutån ngunit sarado ito dahil linggo.


Sinubukan din niyang gumawa ng iba't ibang paraan gaya ng pagopapainom ng gatas ngunit nabigo ito. Lubhang nakakalungkot ang pangyayaring ito lalo na at napamahal sa'yo ang alaga mo. Isang kabayanihan ang ginawa ng aso ni Wijaya.



No comments