Dating QC Councilor Roderick Paulate, Hinatulang Guilty sa Kasong Graft


Hinatulan ng 62 taong pagkakakulong ang dating QC Councilor na si Roderick Paulate sa kasong graft, falsification of public documents at 8 counts ng falsification by public officer dahil sa pag-hire ng ghost employee noong 2010.

Napag-alaman na nag-hire si Roderick Paulate ng 30 ghost employee o mga empleyado ng sinasahuran ngunit hindi naman talaga nagtatrabaho sa opisina nito.


Inamin ni Roderick na pumirma siya sa job order ngunit bahagi lang daw umano ito ng hiring process at inamin din niya na pumirma din siya ng general payrolls para sa July 1-31 2010 na nagkakahalaga ng 250,000Php at noong August 1-15 2010 na nagkakahalaga ng 125,000Php at nagtrabaho umano ito ng 40 oras kada linggo.


Bukod kay Roderick Paulate, pinatawan ang kanyang dirver at personal aid ng guilty na si Vicente Bajamunde na ginawang taga-pirma ni Paulate sa 30 ghost employee at itinanggi naman ito ng dalawa.

No comments