Sanggol, Naiwan ang Ulo sa Sinapupunan ng Ina Habang Iniluluwal

Biglang sumakït ang tiyan ng buntis na si Nereza Tarig. Pitong buwan pa lamang ang kanyang baby girl. Dinala si Nereza ng kanyang mister na si John Rommel sa infirmary para mapatingnan ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Ayon sa doktor at staff ng infirmary, baligtad umano ang posisyon ng sanggol. Ngunit sinabihan pa rin si Nereza na maaari niya pa niyang mailuwal ang sanggol sa pamamagitan ng Normal Delivery.

Sa pagpapatuloy ng pagsåkit ng tiyan ni Nereza ay sinabihan siya ng doktor na iluwal na ang baby na taliwas sa kahilingan nilang mag-asawa na i-refer sa ospital.
Nang mailuwal ni nereza ang baby ay laking gulat niya na katawan lang ang lumabas. At doon pa lang isinugod si Nereza sa ospital para mailabas ang naiwang ulo sa kanyang sinapupunan. Naniwala ang mag-asawa na kahit premature ang kanilang baby girl ay mayroon itong tibok ng puso nang sinubukang iluwal.


Nakauwi at kasalukuyang nagpapagaling na si Nereza ngunit nais nila ng kanyang mister na mabigyang linaw at hustisya ang nangyari sa kanilang anak. Naniniwala ang mag-asawa na mayroong kapabayaang nangyari sa infirmary sa pangyayaring ito.

Hindi pa nakakapag bigay ng komento ang doktor sa infirmary na nagpaanak kay Nereza. Ayon sa isang staff roon, ay pinayuhan sila ng legal team na huwag na munang magbigay ng komento tungkol sa insidënte.
No comments