9-taong gulang na bata, isinauli ang napulot na sobre na may lamang pera; may-ari isang cancer survivor
Hinahangaan ngayon ang 9 na taong gulang na bata mula sa Davao Del Norte na nagpamalas ng katapatan at kabutihan, dahil naisauli niya ang napulot niyang pera na gagamitin pala ng may-ari pambili ng gamot.
Ang matapat na bata ay kinilalang si Ashnor Cadato, isang Grade 3 student ng Sto Niño Elementary School.
Napulot niya ang isang sobre sa isang payment outlet sa kanilang lugar.
Inutusan siya na magbayad ng kanilang bill sa kuryente kaya doon na niya ito natagpuan, nang buksan niya ito ay mayroon palang lamang pera na nagkakahalaga ng 2,000 pesos.
Inuwi ng bata ang pera at hindi niya inisip na gastusin o galawin man lamang ito, sa tulong ng kaniyang ina na si Ashleah ay hinanap nila ang nagmamay-ari ng pera.
Sa tulong ng nakalagay na pangalan sa sobre at sa social media ay nahanap nila ang nagmamay-ari dito.
Isang guro pala ang ang may-ari ng sobre, siya ay si Olivia Perlias, 55 taong gulang, isang cancer survivor at isang guro, ang pera pala na iyon ay SIR o Service Incentive Recognition na ibinibigay ng Department of Education (DepEd).
Ang pera palang ito ay inaasahan ni Mam Olivia para maipambili niya ng gamot kaya naman malaki ang pasasalamat niya kay Ashnor at sa magulang nito na naibalik ito sa kaniya.
Pangarap daw ng batang si Ashnor ang maging pulis.
Dahil sa kabaitan nito ay binigyan niya ito ng munting regalo.
Ginawaran din si Ashnor ng pagkilala sa Department of Education at umaasang pamarisan siya ng iba pang mga estudyante.
No comments