Anak masayang ibinalita sa kanyang ina na siya ay Cum Laude "Ma Magna Cum Laude ako"




"Ma Magna Cum Laude ako"

Isang graduate ng Education ang nagbahagi kung gaano nya napasaya ang kanyang ina ng ibalita nya dito na sya ay Magna Cum Laude sa kanyang pagtatapos.

"Sobrang saya ng puso ko nung nasabi ko na kay Mama na Magna Cum Laude ako kasi alam ko na pangarap niyang may makapagtapos ng pag-aaral sa mga anak niya kaya naman nung nakita ko pangalan ko sa listahan ng mga may Latin Honors sinabi ko na agad sa kanya.

"4 years ago, sinikap kong makapasok sa isang State University dito sa Bohol kasi nalaman kong libre ang tuition fee sa paaralang ito pag nakapasa sa entrance exam tyaka sa mga interviews kaya naman sinikap kong pumila upang hindi na mamroblema ang aking mga magulang para sa aking tuition fee. Sa Awa ng Diyos nakapasok ako at naging libre ang aking tuition fee sa loob ng apat na taon sa kolehiyo.



"Masasabi kong worth it lahat ng pagod, puyat, at pagpupursige ko sa kolehiyo nung nakita ko yung reaction ni Mama. It was a priceless reaction, regalo ko to sa kanilang dalawa ni papa at sa mga kapatid ko. Grabe rin yung pinagdaanan namin nung pandemic dahil magkasunod na pumanaw yung Kuya at Papa ko pero di ako nagpatinag kasi alam kong God is with me.



Kumakapit lang talaga ko kay Lord at nagtitiwala sa mga plano Niya para sa akin at sa aking pamilya. Kaya naman nais kong ibahagi ang magandang balita na ito sa lahat upang maging inspirasyon sa lahat ng mga tao lalong lalo na sa mga estudyante na huwag sumuko sa pag-aaral at palaging magdasal at humingi ng gabay sa ating Poong Maykapal", Ricabelle wrote.

No comments