Construction worker na mister at wais na misis, nakapag ipon ng pampagawa ng sariling bahay


Maraming mga netizen ang na inspire sa kwento at pagiging wais ng mag asawang ito, dahil nakapag ipon sila ng pampagawa nila ng sariling bahay mula lamang sa 50 pesos

Nag viral ang post ni Kember Flores Casabuena kung saan ibinahagi niya ang matagumpay nilang pag iipon ng 50 pesos na naipang pagawa nila ng kanilang pangarap at sarili nilang bahay.


Mula sa kinikita ng kaniyang masipag na asawa na si Alphie Castante Olvis, mula sa pagko-construction nito, na alam nating hindi naman ganoon kalakihan ang sweldo at halos ay sumasapat lamang ito sa pangangailangan ng isang pamilya, ay nakapag ipon sila ng malaki laking halaga para sa kanilang pangarap na bahay.


Sadyang napaka laking tulong at napaka wais ng ideyang ito para sa mag asawang Kember at Alphie.


Nagsimula lamang sila sa pag iipon sa karton ng sapatos, doon nila inilalagay ang kanilang mga iniipong 50 pesos na papel hanggang sa nailipat na nila ito sa malaking balde dahil sa marami-rami na rin silang naipong 50 pesos.

Nakuha umano ni Kember ang ideyang ito sa isang episode ng KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho) na ipinalalabas sa GMA, ang segment na ito ay ''Ipon Challenge''.

Isa ito sa mga halimbawa na hindi hadlang ang kahirapan o maliit ang iyong kinikitang pera upang hindi makapag ipon at mapaglaanan ang mga gusto mong mga bagay dito sa mundo, dahil mula lamang sa pa piso pisong barya ay maaring maging milyon ang kapalit na halaga nito kapag naipon at nagsama sama.

Basta ikaw ay mayroong dedikasyon sa buhay, consistent sa iyong ginagawa at goal ay mapapasakamay mo din ang kahit anomang iyong minimithi.

No comments