Ice Candy Vendor, viral dahil sa kaniyang British Accent na pag aalok ng paninda




Viral ngayon sa social media ang ice candy vendor mula sa Leyte matapos i-upload sa Tiktok ng account na "Glynis Mark" ang kanilang pag uusap na gamit ang salitang Ingles at may accent pa na mala "Harry Potter". Kinilala ang nag viral na tindero na si Jomar Villamor na mula sa Maasin City, Southern Leyte.


"By the way, sir, I got a product in here and I am just hoping you gonna like this. So, I'm gonna sell this to you,"- sinabi ni Jomar sa nag viral na video na naka british accent.


Well, sir, would you want to buy one piece of my product? I just want it to add for my allowance," dagdag pa nito.


Napag alaman na dahil lamang sa panonood ng "Harry Potter" kaya natuto siya magsalita ng ingles with British accent.


Kumalat na ang nakakaaliw na video ni Jomar at ayon sa mga netizen ay mukhang mahihirapan daw silang bumili ng ice candy.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizen.

"Mag ice water na lang muna ako pag ganito ang nag titinda hahaha. Ice candy kayo dyan mga mem and ser.”


“Ito yung nakita ko sa interview sa YouTube na wala raw siyang pinag-aralan pero nag-aral siya through search only… galing amazing accent.”

“Ayoko na nga bumili ng ice candy, mag-tubig na lang ako hahaha.”
“Parang nakaka-intimidate naman bumili ng ice candy hahaha" Huminto na si Jomar sa pag aaral, ayon sa dati niyang guro ay sadyang matalino at madiskarte raw talaga ang batang ito.

Hiling naman ni Jomar na makabalik siya sa kaniyang pag aaral.

No comments