Isang Lola, pinakain ang dalawang batang namamalimos sa harap ng isang fast-food chain
Hinangaan at kinabiliban ng mga netizen ang isang lola matapos nitong ilibre at pinakain ang dalawang bata na namamalimos sa harap ng isang fast-food chain.
Nakuhaan ang moment na ito ng isang netizen at ipinost sa kayang Instagram account na "Cindelleira", hindi umano maganda ang kaniyang mood kaya nais niyang kumaen sa isang fast food chain upang gumanda ang kaniyang pakiramdam ngunit hindi pala pagkain ang magpapagaan ng kaniyang loob.
“These two kids came from outside of Jollibee, mga batang namamalimos and I witnessed the kindness ni Lola.” dagdag pa nito.
Bukod sa kabutihan ng lola, natuwa rin ng mga netizen sa mga crew ng fast-food chain, dahil maayos nilang inasikaso ang dalawang bata, mula sa paghuhugas ng mga kamay nito hanggang sa makakain ang mga bata.
“This is what our eyes need today, the goodness of people. Hindi lang si lola kundi ang mga crew sa Jollibee ng San Jose, ang babait nila. The way they guide the two kids to wash their hands and took out the left over of them after.”
“Ang saya sa mata, I feel blessed na isa ako sa mga nakasaksi ng goodness ng isang tao and my heart felt happy at that moment.”
“Godbless po sa inyo specially kay Lola, more years to come pa po sana sa inyo,” - pagpupuri pa niya sa ginawang kabutihan ng lola sa dalawang bata.
Sadyang nakagaan ng kalooban ang maging mabuti sa ating kapwa.
No comments