JESSY MENDIOLA, NANGANAK NA !





Isinilang na ng actress na si Jessy Mendiola ang kanilang unang anak ng aktor na si Luis Manzano. Isang malusog na baby girl na pinangalanan nilang Isabella Rose ''Peanut" Tawile Manzano. 

“I never knew I could love like this. My little Rosie. Isabella Rose Tawile Manzano,” ayon sa caption na ipinost ng aktres tampok ang unang larawan ng kanilang anak. 




Labis labis din ang tuwa at galak ni Luis Manzano habang karga nito ang kanilang unica hija na si "Peanut". "Hi Peanut, Isabella Rose Tawile Manzano" - caption sa post ni Luis. 


Kaliwa't kanan din ang pagbati sa kanila at sa kanilang anak, mula sa kanilang mga kaibigan, kamag anak at mga taga suporta. 

Congratulations Jessy at Luis, and Hello Baby Peanut !

No comments