P1000 Polymer Bill, Naiwan sa Bulsa ng Pantalon at Naplantsa
Isang lalaki ang nakaiwan ng 1000 peso bill sa bulsa ng kanyang pantalon at nadisgrasiyang na plantsa ito at na deformed ang naturang pera.
Viral ngayon sa social media ang mga litratong ibinahagi ni Jonathan De Vera na deformed ang P1000 na polymer bill na naiwan sa bulsa ng kanyang pantalon.
Ayon kay Jonathan, nagpaplantsa siya ng kanyang pantalon at nang baliktarin niya ito ay nakapa niya na may pera,naiwan niya pala ang P1000 polymer bill sa bulsa ng kanyang pantalon at na defprmed ito dahil sa init ng plantsa.
"Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko. Ito ang nangyariðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜. "-post ni Jonathan sa kanyang facebook account.
Ayon pa kay Jonathan ay di na umano tatangapin ng bangko ang naturang pera at magiging souvenir na lang ito sa kanya.
"Sadly di raw tatanggapin sa banko. In short souvenir ko na to🥺🥺🥺." - dagdag pa nito.
Ang naturang pera ay pandagdag niya sana sa kanyang enrollment fee ngunit di na ito magagamit dahil sa itsura nito at naging lesson na ito sa kanya.
"Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko 😓😓. Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet."- ayon pa kay Jonathan.
Narito ang kabuuang post ni Jonathan De Vera sa kanyang facebook account,
"Isang nakakaasar na kaganapan. Basahin at intindihin, wag tularan.
Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko. Ito ang nangyari






Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko


Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet."
No comments