P5,000 AYUDA PARA SA MGA ''FRESH GRADUATE'' SA KOLEHIYO, INIHAIN SA KAMARA
Inihain ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na bigyan ng ₱5,000 ayuda ang lahat ng mga bagong tapos o fresh graduates sa kolehiyo.
Nakapaloob dito ang mungkahing one-time cash subsidy sa House Bill 6542 ni Villar para bigyan ng tulong ang lahat ng mga bagong tapos sa tertiary institutions.
Layon nito na gamitin ang ayuda bilang kapital o panggastos ng beneficiary sa pag-aapply ng trabaho.
Ayon kay Villar, malaking tulong ang ayuda sa panggastos sa pasahe, paper requisites at iba pang mga kailangan para sa job application.
Para makakuha ng ayuda, kailangan lamang ipresenta ang kopya ng diploma kung saan malinaw na nakasaad kung kailan nag-graduate, saan nagtapos at ano ang napagtapusang degree.
“While some would label the grant as means of a dole-out, the higher purpose is actually investment in the emerging labor force which is for the best interest of the State," pahayag ni Rep. Villar hinggil sa pagpapanukala ng House Bill na ito.
“Similarly, it is an aegis of a caring government to provide relief and an expression of the principle of “Parens Patriae”—to show the State’s commitment to promote the highest interest of the Filipino youth,” dagdag niya.
"This bill seeks to compliment and help fresh graduates by giving them a one-time cash grant in the amount of P5,000 which they can use as productivity/earnest fund application for employment, transportation and settling-in amount if they get a job soonest."
"A student fresh out of graduation and desirous of a decent means of livelihood, finds himself or herself at a loss on how to fund for employment application prospects amid the continuously increasing transportation fare and the difficulty of commuting, preparing a decent work wear, printing tons of biodata or curriculum vitae, and other expenses needed."
DEPUTY SPEAKER AND LAS PINAS CITY LONE DISTRICT REP CAMILLE VILLAR
No comments