Palaboy na nag viral sa sobrang pagmamahal sa mga kuting, isa ng Promotions Manager ngayon !



Naalala nyo pa ba ang nag viral noong isang palaboy na nakuhaan ng video habang malambing niyang nilalaro ang isang kuting sa isang underpass sa Taguig City? Siya si Sadha Shiva "Jeff" De Vera.

Ngayon ay mayroon na siyang maayos na trabaho, isa na siyang promotions manager sa isang kumpanya, mayroon na rin siyang maayos na tirahan. Nakuhaan ito ng video ng netizen na si Claudine Abel habang sila ay napadaan sa underpass kung saan nila namataan si Jeff.


Ang kaniyang driver daw na si Kuya Rico ang unang nakapansin kay Jeff at itinuro lamang ito sa kanya, kinakagat kagat raw nito ang pusa at dahil sa hindi niya makita izinoom niya ang kaniyang video at biglang humarap si Jeff na kinikiss na ang pusa.


Ilang oras pa lang daw ang nakakalipas ay agad na nag viral ang video ni Claudine hanggang sa umabot ito ng higit 5 million views.


Maraming mga netizen ang natuwa kay Jeff dahil sa pagiging matulungin at mapagmahal nito sa mga hayop, kaya naman ang say nila rito ay dapat daw itong matulungan.


Napagdesisyunan na balikan ito ni Claudine at matulungan si Jeff sa kaniyang sitwasyon hanggang sa naging magkaibigan sila.

Sa tulong niya ay naging maayos ang pananamit at kalagayan ni Jeff, nagkaroon ito ng maganda at maayos na trabaho, kiwento pa nito ay napakahusay raw ni Jeff sa job interview parang propesyunal, hindi aakalain na isa siyang homeless.


Natanggap ito bilang tagalinis at tagabigay ng kailangan ng mga empleyado ngunit sa angking galing nito makisalamuha at kumausap ng tao ay napromote ito bilang isang promotions manager.


Napag alaman din na noon daw ay maayos ang buhay nito, mayroong trabaho at inuuwian, ngunit dahil sa pandemya ay wala ng kinikita si Jeff at wala na siyang ipapambayad sa kaniyang renta kaya ito ay tumira na sa kalye, hindi rin siya humingi ng tulong sa kaniyang mga kapatid dahil alam niyang may mga pamilya na ang mga ito.


Tanging ang kaniyang mga alagang pusa ang naging kasangga at pamilya ni Jeff habang siya ay nakatira sa kalye.


Dahil sa natamong tagumpay ngayon ni Jeff ay mas marami na siyang naaalagaang mga hayop at nakakatulong pa siya sa mga pet organization at mga beterinaryo.

Mapapanood ang buong kwento ng buhay ni Jeff sa episode ng "Good News" sa GMA Network.

No comments