Presyo ng Sibuyas sa Pangasinan bumagsak !, umabot sa P50 ang kilo


Bumagsak ang presyo ng sibuyas sa Calasiao public market nito lamang Huwebes, umabot sa P50 ang kada kilo.

Ayon sa panayam kay Baby Doloque, 52 taong gulang, taga-Tocok West, Bayambang, Pangasinan, sinamantala nitong mamili ng sibuyas sa isang farm sa Barangay San Gabriel kung saan nag-aalok ito ng abot-kayang presyo ng sibuyas.


Tanging pagtitinda ng gulay ang kaniyang hanap buhay upang maitaguyod sa pag aaral ang kaniyang mga anak at naisingit lamang niya ngayon ang pagtitinda ng sibuyas sa Calasiao Public Market.


Ayon pa sa kaniya ay naubos na niya ang 100 kilo ng tinda niyang sibuyas dahil sa 50 pesos lamang niya ito itinitinda, marami ang mga mamimili mula sa iba't ibang lugar ang sinamantala ang mababang presyo nito.

Nangangamba naman ngayon ang mga magsasaka ng Bayambang, Pangasinan na malugi sila sa tanim nilang sibuyas dahil sa dumagsa ngayong mga imported na sibuyas, kaya naman ibinebenta na nila ito ngayon.


Matatandaan na kamakailan bago matapos ang taong 2022 at pagpasok ng 2023 ay nagmahal ang presyo ng sibuyas at umabot sa P700 halos P800 ang kilo nito dahil sa kakulangan sa supply.



No comments