Vlogger na si Madam Kilay, Nanganak Na !
Masayang ibinahagi ng Vlogger, social media influemcer at komedyanteng si Madam Kilay ang mga larawan sa kaniyang Facebook account na matagumpay niyang naipanganak ang kanilang panganay sa kaniyang AFAM partner na si Michael.
Pinangalanan nila itong "Lakas", makikita din sa larawan ba kasama ni Madam Kilay si Michael habang siya ay nanganganak.
Pinangalanan nila itong "Lakas", makikita din sa larawan ba kasama ni Madam Kilay si Michael habang siya ay nanganganak.
Kahit na halatang pagod sa paglalabor si Madam Kilay ay masayang masaya naman ito na i-welcome ang kanilang anak na matagal nilang hinintay.
"Ang tagal ka naming inintay Anak ko #Lakas finally Michael The Berserker" caption sa post ni Madam Kilay.
Maging sa kaniyang kilay ay halatang pinaghandaan rin ang paglabas ng kaniyang baby.
Inulan ng pagbati ang mag partner mula sa kanilang mga supporters sa iba't ibang dako at ng kanilang mga kapamilya.
Si Jinky Anderson o mas kilala bilang Madam Kilay ay sumikat sa social media dahil sa mga nakakatawa niyang mga content na totoong nangyayari sa isang tao, mga karanasan ng isang ina, anak, isang pamilya at buhay sa abroad.
No comments