8,000 tray ng itlog o kabuuang 240,000 piraso, sinunog lamang sa Bacolod City



Sinunog ng Bacolod City Veterinary Office, Provincial Veterinary Office at BQS-BALDA ang 240,000 o 8,000 tray ng itlog na nasabat mula sa Bantayan Cebu.

Ito ay bilang pagtugon sa JOINT executive order ng Bacolod City at Negros Occidental laban sa banta ng Avian influenz@.

Ayon Bacolod City Veterinarian Dr. May Dela Torre, expired na ang permit at wala pang mahalagang dokumentong naipakita ang shipper ng itlog.


Samantala, uminit naman ang ulo ni Victorias City Mayor Javi Benitez sa ulat na 240,000 piraso ng itlog na nagkakahalaga ng P1.4 milyon ang sinunog ng mga otoridad sa Bacolod City.


Sa Instagram post, sinabi ni Javy na nasayang ang mga itlog na sana ay ipinamahagi na lamang sa publiko.

“Ang husto, husto. Ang sala, sala. Pero ang pagkaon nga para sa tawo, dapat para sa tawo,” 
(Tama, tama. Kasalanan, kasalanan. Ngunit ang pagkain na para sa mga tao, ay dapat para sa mga tao),” aniya.


Dagdag niya, imbes na sunugin agad ay dapat umisip muna ng magandang solusyon para rito.


“Tani may mas maayo na solusyon para diri. Pwede man idonar para sa nakagutuman, (May mas magandang solusyon para dito. Maaari rin itong i-donate para sa mga nagugutom),” giit ng alkalde.


Dagdag niya: “Indi ko kaya maghipos lang, kinahanglan ko ihambal sa inyo tanan ang sentimento ko (Hindi ako pwedeng manahimik na lang, kailangan kong sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko),” sabi pa nito.


Galit at nanghihinayang din ngayon ang mga netizen sa mga sinunog na itlog, imbes na mapakinabangan ay nasayang pa ang mga ito.

Nangyari ang pagsunog sa mga itlog sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.

No comments