BOYFRIEND REVEAL: AJ Raval, inamin na ang relasyon nila ni Aljur Abrenica nitong Valentines Day




Nagviral ngayon sa social media ang mga sweet na larawan at mga post ng rumored couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica nitong nagdaan na Valentines Day, Tuesday, February 14.

Ayon sa mga netizen ay pormal na raw na ipinakikilala na sa publiko ni AJ Raval si Aljur Abrenica bilang kaniyang boyfriend.


Ipinost nila ang kanilang mga sweet na litrato sa instagram at pagbati sa isa't isa dahil Valentines Day.

“I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” caption sa post ni AJ sa Instagram.


Si AJ at Aljur ay napabalitang nagdi-date simula noong 2021, kung saan tinaguriang naging third party ang aktres, at naging dahilan diumano ng hiwalayan ng mag asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Say naman ng mga netizen kunwari ay nagulat sila sa relasyon ng dalawa.



Narito pa ang ilan sa mga komento ng netizen.

''Deny noon, proud na ngayon.''

''Time will tell nga talaga.Karma will work its way to you, home wrecker. Btw, Happy Valentine's Day sa lahat ''

''U give ur love pero nkaguba nkag family... tskk big no.no''

''If you love him unconditionally sana you sacrifice your own happiness para dika maka sira ng pamilya.''

No comments