Cristy Fermin, si Ion naman ang niratsada: "Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa Beki?
CRISTY NIRATSADA SI ION: 'BAKIT KA PUMATOL KAY VICE?'
Noong mga nakaraang araw ay isiniwalat ng kolumnista at host na si Cristy Fermin sa publiko na amoy imburnal diumano ang bibig ng Showtime TV Host at komedyante na si Vice Ganda.
Ngayon ang partner naman nitong si Ion Perez ang binanatan ni Cristy sa kaniyang show.
Ayon sa isang episode kaniyang talk show na "Showbiz Now Na", inihayag no Cristy Fermin na tumalas daw ang dila ni Ion mula ng makarelasyon nito si Vice Ganda.
"Si Ion na itinuturing ng marami nating kababayan ay isang ibon na natungtong ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na rin na kalabaw.'' ayon kay manay Christy
"Matalas ang dila nung Ion, napakatalas ng dila.'' dagdag pa nito.
"May nagtanong daw sa kanya, ‘Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?’ Ano'ng sagot niya, ‘Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin.’ So aminado siya na comfort, future ang kanyang ano… ‘di ba?"
"Parang sumasabay na kay Vice," ratsada ni Cristy.
say din ni Romel Chika kay Vice Ganda ay isa raw "dominante," kung saan idinagdag ni Cristy fermin ang mga salitang "lider-lideran" para ilarawan ang komedyante.
Si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, aktor, endorser, at host sa Pilipinas. Kilala siya sa pagho-host ng “It’s Showtime” at sa kanyang commercially successful na mga pelikula sa MMFF. Ang superstar ay kasalukuyang nasa isang relasyon kay Ion Perez. Nakuha nila ni Ion ang kanilang Certificate of Commitment sa isang espesyal na seremonya sa Las Vegas, Nevada noong Okt. 19, 2021.
No comments