GCASH GIRL UPDATE: Babae sa viral video, hindi raw isang sc@mmer kundi nabiktima rin ng mga sc@mmer !



Nagsalita na ang tindera at uploader na si Gina Lisa sa nag-viral niyang video patungkol sa isang babae na kung saan ay nagpapacash-in ito ng halagang 5,000 pesos ngunit walang mailabas na pera.

Ayon sa kaniya ay nakausap niya ang babae at asawa nito, ikinuwento niya kung paano nasc@m ang babae.


Kwento raw ng babae, ang kausap daw nito sa kaniyang cellphone ay nagpapanggap na staff ni Willie Revillame, sinabihan daw siya na nanalo raw siya ng 350,000 Pesos at hinihingian daw siya ng processing fee na 5,000 Pesos kaya raw siya magpapa cash-in sa tindahan.


Sinabi din ng babae na wala siyang ideya tungkol sa cash in cash out sa Gcash dahil wala diumano siyang ganito, minamadali rin daw siya ng kaniyang kausap niya, kaya siguro hindi na ito nakapag isip pa ng maayos.


Mukhang mabait din naman daw ang babae at asawa nito dahil makikita raw sa account ng mga ito na tumutulong din ito sa ibang mga tao.

Humingi na ng tawad si Gina Lisa sa babae at sa asawa nito dahil nahusgahan din niya ito.


Pinakikiusapan niya ngayon ang mga nag rere-upload ng kaniyang video na itigil na dahil isa ring biktima ang babae at marami na rin ang bumabatikos dito.

Narito ang buong post, paliwanag at panawagan ng tindera at uploader na si Gina Lisa sa kaniyang Facebook account:

Nanawagan po ako sa lahat na nagpakalat ng video ni ate na itigil na po ang pagpakalat,KC nakausap ko na po sya biktima lang din daw po sya ng isang sc@mmer,mukha namang mabait si ate KC na stalk ko rin FB ng asawa nya tumulong sila sa mga nangangailangan...kaya ko lang naman siya na post KC inisip ko na sc@mmer tlga sya at ayoko May mabiktima pa KC maraming beses narin po ako naloko....

Pa share po para maka abot sa May mga hawak ng video nya,kaya ko lang naman sya na post KC napagkamalan ko syang sc@mmer at ayoko May maloko syang iba...yun pala sc@mmer din daw kausap nya.

No comments