Higit 16,000 katao, nas@wi sa lindol sa Turkey at Syria | #PrayForSyriaAndTurkey



Umabot na sa higit 16,000 katao ang bilang ng mga nas@wi sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria nito lamang lunes, ayon sa disaster management agency ng Turkey ngayong Huwebes.

Sinabi ng ahensya na 12,391 katao ang kumpirmadong namat@y sa Turkey matapos ang lindol noong madaling araw ng Lunes at ang kasunod nitong malakakas na aftershocks, na nagpabagsak sa malalaki at libu-libong mga gusali sa Turkey.


Samantala 2,902 na katao naman ang naiulat na namatay sa Syria.

Patuloy pa rin ang search and rescue operation sa lugar na naapektuhan.


Nasa Turkey na rin ang Pinoy responders na tutulong sa search and rescue operations kasunod ng malalakas na lindol sa naturang bansa.

Ikinokonsidera na rin ng Pilipinas ang pagpapadala ng response team sa Syria.

Pansamantala munang nanunuluyan sa mga temporary shelter sa Idlib, Syria, ang ilang mga earthquake survivors.


Kakilakilabot and nangyaring lindol sa mga nasabing bansa, nakuhaan ng video ang aktwal na pagyanig, pagguho ng mga gusali at pagtakbo ng mga tao.

Mayroong ding mga Pinoy ang napaulat na nawawala pa, ayon sa Filipino community doon.

Halos buong mundo ang nakatutok ngayon sa bansang Turkey at Syria, hiling ng lahat na matagpuan na ang iba pang nawawala, at makaahon na muli ang mga ito.

No comments