Isang aso tinaga, mangiyak-ngiyak na nangalabit para humingi ng tulong




“Dogs are like humans too.”

Galit at awa ang naramdaman ng netizens matapos ibahagi ng isang Facebook user na si Algerico Quitoriano ang larawan ng isang aso na t!naga umano ng hindi pa kilalang salarin.

Mangiyak-ngiyak naman ang aso na nangalabit at lumapit sa ibang tao, na tila humingi ito ng tulong.


Ayon sa uploader, halos madurog daw ang kaniyang puso matapos makita ang aso na malalim ang natamong sugat sa likod. Dagdag pa niya, napakabait ng asong ito kaya ‘di niya inakalang tataga!n ito.


“Aso po iyan ng kapitbahay namin sa San Rafael, mabait po yung aso. Matapos po iyan mataga pumunta po siya sa kabilang bahay at nangalabit, na tila humihingi ng tulong. Mabait po talaga yung aso na iyan,” ikinuwento niya sa Balita.

Ayon din kay Algerico, sana sinigawan o tinakot na lang nila yung aso para umalis, at hindi dapat nila ito saktan o tagain dahil mayroon din itong “feelings” gaya ng tao.

“Nakakadurog ng puso.Dogs are like humans too. Sana takutin na lang nila para umalis at hindi na lang sana sinaktan,” paliwanag niya sa caption.

Ikinuwento rin ni Algerico na ang aso ay nakawala lamang sa tali nito at posibleng gumala at nagutom lang ito kaya napunta sa ibang lugar. Sobrang lalim umano ang sugat nito sa likod kaya mangiyak-ngiyak yung aso sa sakit, pero kasalukuyang ginagamot na ang aso.

-Mula ang balitang ito sa ''Balita''

Narito ang buong post ni Algerico D. Quitoriano sa kaniyang Facebook account;


It breaks my heart
Dogs are like humans too
Ayaw lang ninyog tigbasa. Abuga lang

No comments